Saturday, November 21, 2009

Ang gulo gulo!

Posted On 8:31 PM by Polahola | 2 comments


May mga panahon na ang tingin mo sa sarili mo napakababa. Na di mo na alam kung may susunod pa ba na yugto. OO, wala namang nangyari na kakaiba, malungkot, o kahit ano. Pero di mo lang talaga alam kung ano ang gusto mo. Pero nararamdaman na parang unti-unti kang nagiging mahina at malungkot.

Ngayon ko lang uli naramdaman ito pagkatapos ng mahabang panahon. Mukhang nakuha ko naman ang gusto ko sa buhay. Lahat ng mga ginusto ko noon, nasa akin na ngayon.


Sabi ko noon okay na sakin yung buhay na mayroon kang sapat.

Alam mo na ang estado mo ay higi sa iba pero unit-unti paring bumababa ang tingin mo sarili mo. Marami kang mga bagay na gusto mo na mapasaiyo.

Kala mo noon ang buhay madali lang. Kung pwede lang ba angkinin ang lahat ng maabot ng mata. Pero hello.. I was reminded of a Russian tale, where a man died of greed for aspiring too much.

Ilang araw nalang magiging bente tres na ako. Parang kailan lang, Pero nararamdaman ko na wala namang nagbabago sakin, but I'm in the quest of doing something more than what I planned.

Gusto ko ng buhay na may purpose.

Gusto ko may dahilan kung bakit ako nandito.

Gusto ko makabuluhan.

Sabi nila lahat ng gusto mo kabaliktaran sa nakukuha mo. Sana sa part ko sana hindi ganun.



Pinakikinggan: I caught myself-- Paramore


Mood: In flux.


Wednesday, July 15, 2009

FRESHLOOK CONTACT LENS! ALL ORIGINAL

Posted On 10:20 PM by Polahola | 0 comments




FRESHLOOK CONTACT LENS! ALL ORIGINAL

I’m selling Freshlook 3-toned Contact Lens. (Freshlook one day color)


It comes in 4 colors:
Pure Hazel
Green
Blue
Gray







It mimics your real eye color range, making the lens no fuss, and not like the other lenses that looks odd.

It is called dailies because it can be disposed after use if you don’t want to hassle yourself in cleaning them.

You can still reuse the lens up to four months, depending on how you will take care of your lens.

Make sure that you clean them after use.


Ungraded lens: 400
Graded lens : 500
Lens kit: 200
Lens case: 65


Meeting points: Ortigas, MRTs, LRTs, Katipunan Area, San Mateo Rizal Area, Montalban area, Marikina area, and Valenzuela


Sunday, March 15, 2009

Komplikado

Posted On 2:59 AM by Polahola | 1 comments


 It's complicated daw oh.
Nauso ang status na ito mula sa Friendster.

Ang gulo ng picture ano? NAKAKAINIS, ang sakit sa ulo.

Isa lang ang alam ko. Ayoko ng komplikado. Dahil ang komplikado, nakakainis. Nakakawalang gana. Gaya nalang sa mga maliliit na bagay na masasabi mong KOMPLIKADO.

Mga Halimbawa:


dPumunta ka ng Jollibee at umorder ng Chocolate Sundae Ice cream, pero ang ibinigay sayo. Ice Craze.

dBumili ka ng toothbrush, sabi with gum massager. Pag-open mo sa bahay nung shopping bag, pangshave pala yung nabili mo.

dNagorder ka ng skinny jeans, at ang ganda ng fit mula sa magazine. Pagsuot mo nung inorder mo, di pa pala butas yung labasan ng paa.

dNatanggap ka sa isang job, at sabi sayo hired ka na. Tapos bilang lumabas uli yung HR, at winika na "marami pa kaming dapat i-evaluate sayo."

d Nagpapicture kayo ng mga kabarkada mo, nung pagkadevelop, di ka pala sinama sa picture. Todo pa naman ang projection mo.

Ang masasabi ko lang ayoko ng kumplikado kung pwede namang simple at matiwasay ang buhay bakit ba kailangan gawing magulo. Hay. matulog na nga lang tayo! At ayoko na mag-isip. POTATAS.


Saturday, March 14, 2009

Ang pagsulat ng walang "edits."

Posted On 9:20 AM by Polahola | 2 comments


May mga panahon na gusto mo lang sabihin ang iyong nararamdaman sa mundo. Yung tipong walang makikialam kahit na Taglish pa ang gamitin mo sa blog mo, or kung pure Tagalog yan, o pure English. Yung tipong walang makikialam ng mga typos mo. Yung ganun. Itong post na gagawin ko sa ngayun ay walang edit. Heto na ang normal na ako. Ayoko na magsabi na sawi nanaman ako sa pag-ibig ako mismo ay nasasawa narin. Supposedly, ang blog na ito ay para sa happy thoughts. So, dapat masaya ang sasabihin ko. Ok, nakaisip na ako. Simula ngayun, di ko na iisipin ang love na yan. Di ko pa alam kung ano ang dapat ko unahin. Pero ewan ko bakit kaya ganun. Lahat ng minamahal ko, parang laging may mali. Yung parang ganto, may time na gustong gusto ka pero ayaw mo; at meron ding gusto mo pero ayaw ka. At lagi nalang ganun. Paano kaya kung magpakalulong ako sa pag-aaral? Tapos pagkatapos mag-aral ng sobra, ... bumagsak din ako sa huli. Diba nakakadepress din yun? Siguro parte lang ng buhay ang madepress paminsan-minsan. Sana nga no? Habang nakahiga ako sa kama, may freeverse na tula ang namuo sa utak ko. Ang weird nga eh kung kelan 12:00 AM na tsaka ko naisip.




I've kept my knives under my bed
I've shed my tears too much
I've wiped it just right
No one else knows that I'm dying inside



I've tried to blow smiles on what I know that makes me cry
I hate to be told that I am weak
I'd rather keep my sentiments, and forever it will stay unwritten



I just wondered about 89 M people's lives
Does their stories written divine?
Are they just like weeds that sprung out just anywhere,---
To be pulled out one day?



 
itutuloy. ang chaka noh. suicidal. lol.



Saturday, December 27, 2008

Pagpiglas sa rehas ng kahirapan

Posted On 8:43 PM by Polahola | 2 comments





"Tagalog…"


BAKIT nga ba Inggles ang ginamit ko sa Blog na ’to samantalang noong mga nakalipas na taon eh “islangish” ako. Di ko na masyadong kinakarir ang blog ko gaya noon na everyday eh updated. Bakit ba ako napablog ngayong araw na’to. Wala lang, kakapanood ko lang ng “Maynila sa Kuko ng Liwanag,” ni Lino Brocka. Kayganda ire! Maraming mga bagay na nagcirculate sa utak ko. Napakaganda ng pelikulang ito, na maiisip mo kung may nagagawa ka ba talaga, para baguhin ang sistemang bulok ng Pilipinas. Ang noon at ngayon ay wala masyadong pinagkaiba. Marami paring mga manggagawang naabuso. Marami paring mga salat na walang ibang choice kundi kumapit sa patalim. Ibang klase na ang kanser ng lipunan na unti-unting pumapatay kay Juan. Matagal nang nilikha ang pelikulang ito na pinagbdahan ni Bembol Roco at Hilda Coronel. Di pa nga ako sinisilang nun. Ngayung 22 na ako ang mga problema ng lipunan na naipresinta dito, eh problema parin magpasahanggang ngayon. Ang nakalulungkot na ipinakita sa hulihan nito, ay ang kikitiran ng utak ng mga Pinoy. Nagbago tuloy ang tingin ko sa mga taong laki sa hirap. Dahil gaya ng salaysay ko noon, habang naglalakad sa Ortigas. Lahat ng mga mukhang nagdaraan ay may kwento. Lahat sila may mga sariling dinaranas, na di nila ginusto pero kelangan nilang gawin. Kelan ba magbabago ang Pilipinas? Kelan ba?! Pagod na ako pero wala akong magawa dito. Aabangan ko nalang ba ng pagsikat at paglubog ng araw na walang nagagawa upang maisalba ang naghihikahos na bansa? Nasaan ba ako nakatayo? Ito bang kinatatayuan ko ang gusto ko?.. Gumising ka mambabasa, at itanong mo rin yan sa sarili mo!





Ang masasabi ko lang eh:
Ang pagpiglas sa rehas ng kahirapan sa Maynila ay katulad din ng paglimot sa sarili, at paghanap ng kaligayahan sa mga destinasyong di mawari kung may saysay sa huli. Hindi masama ang pag-asam ng magandang buhay dahil hindi ito ang sisira sayo, kundi ang paligid mo---- na sinadlak ng kahirapan. Mga inosenteng di ginusto ang kinalalagyan pero kailangang ikulong sa rehas na mismong ikaw ay di makaalpas.









Thursday, December 25, 2008

Proud sister!

Posted On 4:38 AM by Polahola | 0 comments


I was skimming through my sister's MYDEVIANT account and now there's something more that I'd like to share. I'm really proud of her. She has this good hands, and she improved her craft! I was kind of inspired and all that she's really good and surely, bright future is just around the corner. Way to go sis!:)


Sunday, November 30, 2008

PEN

Posted On 11:04 AM by Polahola | 0 comments


"Something tells me that all things goes to zilch... Like a pen; ink runs out.... are you a pen?"

-----polahola


 

My Happy Life Copyright © 2010 LKart Theme is Designed by Lasantha, Free Blogger Templates