Saturday, December 27, 2008

Pagpiglas sa rehas ng kahirapan





"Tagalog…"


BAKIT nga ba Inggles ang ginamit ko sa Blog na ’to samantalang noong mga nakalipas na taon eh “islangish” ako. Di ko na masyadong kinakarir ang blog ko gaya noon na everyday eh updated. Bakit ba ako napablog ngayong araw na’to. Wala lang, kakapanood ko lang ng “Maynila sa Kuko ng Liwanag,” ni Lino Brocka. Kayganda ire! Maraming mga bagay na nagcirculate sa utak ko. Napakaganda ng pelikulang ito, na maiisip mo kung may nagagawa ka ba talaga, para baguhin ang sistemang bulok ng Pilipinas. Ang noon at ngayon ay wala masyadong pinagkaiba. Marami paring mga manggagawang naabuso. Marami paring mga salat na walang ibang choice kundi kumapit sa patalim. Ibang klase na ang kanser ng lipunan na unti-unting pumapatay kay Juan. Matagal nang nilikha ang pelikulang ito na pinagbdahan ni Bembol Roco at Hilda Coronel. Di pa nga ako sinisilang nun. Ngayung 22 na ako ang mga problema ng lipunan na naipresinta dito, eh problema parin magpasahanggang ngayon. Ang nakalulungkot na ipinakita sa hulihan nito, ay ang kikitiran ng utak ng mga Pinoy. Nagbago tuloy ang tingin ko sa mga taong laki sa hirap. Dahil gaya ng salaysay ko noon, habang naglalakad sa Ortigas. Lahat ng mga mukhang nagdaraan ay may kwento. Lahat sila may mga sariling dinaranas, na di nila ginusto pero kelangan nilang gawin. Kelan ba magbabago ang Pilipinas? Kelan ba?! Pagod na ako pero wala akong magawa dito. Aabangan ko nalang ba ng pagsikat at paglubog ng araw na walang nagagawa upang maisalba ang naghihikahos na bansa? Nasaan ba ako nakatayo? Ito bang kinatatayuan ko ang gusto ko?.. Gumising ka mambabasa, at itanong mo rin yan sa sarili mo!





Ang masasabi ko lang eh:
Ang pagpiglas sa rehas ng kahirapan sa Maynila ay katulad din ng paglimot sa sarili, at paghanap ng kaligayahan sa mga destinasyong di mawari kung may saysay sa huli. Hindi masama ang pag-asam ng magandang buhay dahil hindi ito ang sisira sayo, kundi ang paligid mo---- na sinadlak ng kahirapan. Mga inosenteng di ginusto ang kinalalagyan pero kailangang ikulong sa rehas na mismong ikaw ay di makaalpas.








Stumble
Delicious
Technorati
Twitter
Facebook

2 Comments:

abe mulong caracas said...

isa ang maynila sa kuko...sa pinakamagandang pelikulang napanood ko...si edgardo reyes naman ang isa sa pinakamagaling na manunulat na kinamulatan ko...

kaya lang nasahin mo yung libro and see kung alin ang mas maganda, yung libro o yung pelikula?

Polahola said...

Sa tingin ko ay mas maganda ang pelikula. Marami rin kasi silang scene na idinagdag dun katulad nalang nung scene na ginusto niya mag"call boy"... Ang kagandahan lang ng binasa sa libro, sarili mong imahinasyon ang iyong pagaganahin. Masasatisfy mo ang visual urges mo.:D Seryoso ako masyado hahah.

 

My Happy Life Copyright © 2010 LKart Theme is Designed by Lasantha, Free Blogger Templates