Saturday, November 21, 2009

Ang gulo gulo!


May mga panahon na ang tingin mo sa sarili mo napakababa. Na di mo na alam kung may susunod pa ba na yugto. OO, wala namang nangyari na kakaiba, malungkot, o kahit ano. Pero di mo lang talaga alam kung ano ang gusto mo. Pero nararamdaman na parang unti-unti kang nagiging mahina at malungkot.

Ngayon ko lang uli naramdaman ito pagkatapos ng mahabang panahon. Mukhang nakuha ko naman ang gusto ko sa buhay. Lahat ng mga ginusto ko noon, nasa akin na ngayon.


Sabi ko noon okay na sakin yung buhay na mayroon kang sapat.

Alam mo na ang estado mo ay higi sa iba pero unit-unti paring bumababa ang tingin mo sarili mo. Marami kang mga bagay na gusto mo na mapasaiyo.

Kala mo noon ang buhay madali lang. Kung pwede lang ba angkinin ang lahat ng maabot ng mata. Pero hello.. I was reminded of a Russian tale, where a man died of greed for aspiring too much.

Ilang araw nalang magiging bente tres na ako. Parang kailan lang, Pero nararamdaman ko na wala namang nagbabago sakin, but I'm in the quest of doing something more than what I planned.

Gusto ko ng buhay na may purpose.

Gusto ko may dahilan kung bakit ako nandito.

Gusto ko makabuluhan.

Sabi nila lahat ng gusto mo kabaliktaran sa nakukuha mo. Sana sa part ko sana hindi ganun.



Pinakikinggan: I caught myself-- Paramore


Mood: In flux.

Stumble
Delicious
Technorati
Twitter
Facebook

2 Comments:

kapitan broncano said...

"Always expect the worse to happen." Yan ang motto ko --- kung matatawag na motto yan. Syempre, alam naman nating lahat na hindi lahat ng gusto natin sa mundo eh mapapasatin. Just live your life to the fullest with no regrets. Have a nice day!

kapitan broncano said...

hey! di ka na ba magpopost ng new blog? looking for fresh blogs to read. ciao!

 

My Happy Life Copyright © 2010 LKart Theme is Designed by Lasantha, Free Blogger Templates